Wednesday, November 26, 2008

Ang Aking Huling Paalam™

Sa blog na ito, "what u see is what u get".. kaya nman bago man lang ako mawala sa mundong ito, maibahagi ko man lang ang aking sa inyo ang aking munting kabanta ng aking buhay..Ako po si Ronald, a.k.a. zakmal. kilala ako sa tawag na Pooch(tawag sa akin ng mga friends ko) sort term 4 pukol.. 25 yearz of age at ipinanganak ako d2 sa bayan ng Agoo, probinsya ng La Union. Bunso ako sa limang magkakapatid. Apat na lalake at isang babe. Nanay ko dating nagtitinda ng kakanin sa palengke, kaya kung may balak kayo magpagawa order lang kayo o pumunta sa bahay. hehehe. tatay ko naman,(sumakabilang buhay na) isang magaling na karpentero.. Nagtapos ako sa mababang elementarya ng Agoo East Central School. Mula sa aking pagka-elementarya, dito ko naranasam ung magtinda ng kakanin sa mga kaklase ko para may perang gagamitin sa skwela. hehehe.. Maaga kaming gumigising sa umaga para ihanda ang mga tindang kakanin at para na rin sa paghahanda sa skwela.. sumali rin ako sa iba't-ibang actibidad sa school.. d2 ako unang sumabak sa palakasan tulad ng basketball at track-n-field.. Naranasan ko rin ang magtinda sa palengke ng kakanin. Grade five ako nang Naranasan ko yung magbulakbol. Nang nalaman ito ng aking nanay at ate ko, pagkagraduate ko ng elementarya, pinag-aral ako sa pribado skwelahan (Saint Mary's Academy). Pangarap ko rin noon na pumasok bilang skristan ngunit bigo ako.. Dito ko nakilala mga barkada ko sina xepoy at dulos..cla ung naging kabarkada ko hanggang sa grumaduate sa high school. lahat ng mga kalokohan nasalihan ko na yata. nasubukan ko na rin ung mapatawag sa principal dahil sa kapalpakan naming tatlo.. kaya pati mga nanay namin eh magbabarkada na rin kasi nga sa nangyari sa amin.. Tumino lang ako nung nasa fourth year na ako.. nang nakatapos na ako ng high school, nagtake agad ako ng entrance exam sa isang unibersidad sa syudad ng san fernando.. sa awa ng diyos, nakapasa rin.. kumuha ako ng kurong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management.. dahil salat sa pera at pati na rin sa pakikipagbarkada ko, huminto ako at hindi na tinapos ang isang semester.. pumasok ako bilang crew ng isang food outlet at ngtrabaho sa edad na 17.. nang nakaipon ako, ako na mismo ang gumastos sa tuition ko at nag-aral ulit ako pero ndi na sa syudad. d2 na lang ako sa amin kasi sangay din nito. kumuha ako ng kursong Bachelor of Secondary Science in Education-Major in Information Technology.. d2 ulit kami nagsamasama ng aking mga barkada nung High school na sina xepoy at dulos.. xempre dating gawi parin.. Dito ko naman nakilala si Maan, isang anak ng Dean sa departamento namin na pinapasukan ko.. ipinakilala sa akin.. Naging kami pero ndi rin nagtagal dahil ngkaproblema. Hindi ko kasi alam noon na si Xepoy pala eh nanliligaw kay maan, so, ndi ako nag-atubili na i-give up yung relation namin..(naayus din) .. Dahil may karanasan na rin sa trabaho, nag-apply ulit ako bilang part time lng sa isang malaking fastfood chain na may sangay dito sa agoo,. d2 ko kinuha ang pang-araw-araw na pangangailangan ko..
Pagtuntong ko ng second year college, sumali ako sa mga iba't-ibang palakasan d2 sa school..gaya ng basketbol(sa department lng), soccer at track-n-field.. sa awa ng diyos nasali ako at nakapaglaro rin sa SCUAA (3 years)..naka-ipon rin ng ilang mga memorabilla sa kwarto ko..dahil sa pagsali ko d2, naging scholar ako sa unbirsidad na ito at naging isang varsitarian..Lingid sa inyong kaalaman, sumali rin ako sa isang kilalang fraternity dito sa Northern Luzon, ito ay ang CIA-SI o samahang Ilokano. Kung sa akala nyo eh lahat ng mga sumasali d2 eh masasama, nagkakamali kayo. Sa mga ilan, para malaman nyo, legal ito.. May mga bagay din na nangyari sa akin na minsan eh ndi ko na alam ang mga gnagawa ko at struggle na buhay ko.. salamat na lang at may mga nagmalasakit sa akin na mga kaklase ko. hinatak ako pataas mula sa aking pagkadapa.. d2 nakilala ko si errolet, mabait at simple lang xa, ndi xa ung maarte.. hanggang sa aming pagtatapos sa kolehiyo naging kami. Nang medyo Bz na ang isa't-isa, halos wala ng panahon.. nagkahiwalay kami.. Naranasan ko rin na pumasok sa Phil. Air Force, nagtake ako ng exam at pasado naman lahat. Nang lumabas na ang resulta, dali-dali akong bumiyahe ng Manila. Hinintay ko ang pangalan ko. Tumira ako doon ng halos limang buwan..Nang medyo tumagal napaghinaan na ako ng loob kasi nalaman ko na ung mga ibang kasabay namin na nag-take ng exam eh nagtra-tarining na pala, kaya dismayado ako sa takbo ng gobyerno nati... December. 2005,dahil sa karoling nakilala ko itong si Dana, churchmate ko xa at halos 5 years ung age gap namin.. Mabait xa at simple lang.. dahil sa kanya, naging active ako sa church namin..kaya nga OK sa akin ung mama nya at ate nya. Ang problema lang sa aming relasyon eh patago at hindi nila alam na kami.. dahil cguro sa mga kumplikadong bagay at abala ako sa mga trabaho ko, naghiwalay kami.. Halos isang taon at labing isang buwan na naging kami.. cguro ndi kami para sa isat-isa..
May mga bagay dito sa mundo na mahirap paniwalaan.Maraming nangyayari sa buhay natin..minsan mabibigla ka na lamang na mamatay ka na pala. Merong mga bagay-bagay sa aking buhay na ibabahagi ko sa inyo..Nagsimula itong lahat noong ako ay nag-aaply ng trabaho sa isang ahensya ng gobyerno. Nakapasa ako sa pagsusulit at pinakuha ako ng mga ilang kailangan o dokumento para makpagtrabaho. . Nagpasuri ako sa isang spesyalista para sa karagdagang dokumento. nang lumabas ang resulta, may mga sintomas ng sakit na namumuo sa aking baga.. hindi ko xa pinansin kasi ang alam ko malulunasan din un.. nang medyo tumagal at lumipas na, dun ko na lang nararamdaman ang epekto. biglang humina ang aking katawan. dati maliksi pero ngeon wala na. madali na rin napapagod at biglaang pagkapayat... nagsuka at nag-ubo ako ng dugo.. nag-pakunsulta ako ulit sa isang spesyalista at binigyan ako ng pansamantalang gamot. pero hanggang ngeon ramdam ko parin at parang nalalapit na ang aking katapusan.. hanggang sa kasalukuyan... bukas baka araw ko na.. Alam ko poh na masarap mabuhay, pero may plano ang dios para sa atin. Nais ko lang ibahagi sa inyo ang aking buhay. Maraming salamat sa mga aking kaibigan at sa mga taong nagmamahal sa akin.. mauuna na ako sa inyo.. sa lahat ng mga naagrabiyado ko.... patawad sa inyo...
zakmalversion3.0 ™ © 2008. Design by :Yanku Templates Sponsored by: Tutorial87 Commentcute